start your own blog now!
 
Read other blogs...

Your fab jologs in HK

Google
Wednesday, 27 June 2007

Kilig again

Ngayon ka-YM ko lang si +honhon+ na nasa Pinas. Bukas ng umaga nandito na sya para bigyan na naman ako ng kilig moments. Masaya ito!

But before the kilig moments comes the hard part. Ang mga kalat na dinedma lang ng ilang araw ay kelangan nang harapin. Ang kusina na mistulang post-Katrina eksena eh kelangan nang maiayos. At ang bath tub na kinapitan na yata ng talaba ay kelangan nang makuskos ng maigi. Lahat yan kelangan kong gawin ngayong dis-oras ng gabi. Sobra, walang tulugan ito! Nakaka-wa-poise pero meron pa ba akong choice? Wish.

posted by: Jeko at June 27, 2007 23:55 | link | comments (3) |

Monday, 25 June 2007

Senting-senti

Kinakamusta ako ng isang friend ko dito. Sabi nya, siguro daw ay senting-senti na ako dahil ilang araw na lang at lilisanin ko na ang kompanyang umaruga sa akin ng limang taon. Sabi ko, oo naman. Mainly because I did learn a lot sa GS – kahit na most of the time I did so the hard way. Honestly yung pag-alis ko was really unexpected. I was only testing the job market pero umubra sa first attempt eh. And since ayoko ng big what-if questions, eto ako ngayon flexing my wings. Sana di mabali ang pakpak ko.

***

Ang hirap pala talagang mag-resign. Di lang separation anxiety ang kakalabanin. Meron pang mas malala, lalo na sa mga OC na katulad ko. Aba, more than a month na akong nag-o-organize ng files sa PC ko pero mukhang walang pinatutunguhan. Kawawa naman ang next na gagamit. Kahit ako nalilito na sa dami ng files na gusto kong ayusin eh. Pati emails ko hirap akong magbura. Must be the senti persona in me. Susme, kung pipilitin ko sigurong maiayos yun in a way I want eh aabutin ako ng 12 months pa sa office – and that’s kung yun at yun lang ang iintindihin ko! Bakit ba kasi parang di ako mabubuhay kapag binura ko yung ibang emails? Nung dating nag-crash naman ang computer ko at nabura ng isang iglap ang lahat eh nakapag-survive naman ako?! Hay.

posted by: Jeko at June 25, 2007 23:00 | link | comments (4) |

Saturday, 23 June 2007

Wa anda

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Sinagad ko kasi ang wallet ko kaya lately ay feeling ko nasa cast ako ng Yagit. Dukha. Pura. Walang anda!

I know, I know, dapat hindi daw sinasabi na wala kang pera. Pero anong sasabihin ko kung talagang wala naman? Nahihiya na nga ako sa officemates ko kasi ang dami ko nang pinalampas na gatherings. Kahit simpleng kain sa labas di ako maka-join. Kung dati yung emote kong can’t afford eh drama lang, ngayon totoo na. No choice ako kundi manahimik sa bahay at magtipid. Kulang na lang mamulot ako ng damo sa labas at pakuluan para makain.

Ok, sige na nga, exag. Pero I feel guilty na last week nilibre ako ng two of my lunch buddies sa isang sosyal na dinner (which by the way ay binanlawan ko pa with three glasses of white wine). Tapos naulit na naman ang kanilang panlilibre this week. Nakakahiya pero di ko naman sila matanggihan. Although I’m grateful na meron akong generous friends, I’m sad kasi it doesn’t feel right. Kelangan matigil na yun
– no, hindi ang sosyalan, ang panlilibre lang.

Siguro the only consolation ko sa sarili ko ay temporary lang ito. Meaning, pahabain ko na lang muna ang pisi ko at hayaan na lang munang mangapal ang mukha.

But tomorrow is a different story. Di ko yata feel maglabas ng yarda-yardang pisi sa harap ng tita ni +honhon+.

Bibisita kasi sya dito sa Hong Kong at nagpapasama sa akin sa paglilibot at pagsho-shopping. Sunduin ko na lang daw siya sa hotel. Di ko naman pedeng sabihin, “Tita, pamasahe nga po papunta sa hotel mo wala ako, ano pa po kaya sa paglilibot at pagsho-shopping?”.

Hay, I’m screwed. BIG TIME! Wish ko lang kaya kong mag-magic ng pera.

It didn’t help pa na binanggit sa akin ni +honhon+ ang pagdating ng tita nya hours before ako makapagbayad sa credit card. If I knew na darating sya, binawasan ko sana ang ipinambayad ko. Hay naku. Natatawa na lang ako sa mga pangyayari.
Good luck na lang talaga sa akin. Good luck!

posted by: Jeko at June 23, 2007 01:00 | link | comments (3) |

Thursday, 21 June 2007

Luck has arrived

It's funny how one short email message can change a person’s mood.

Just a minute ago I felt like knocking my head off for taking such a big risk of stepping out of my comfort zone. Now that I’ve opened my inbox, my mood has taken a full 180-degree turn.

The luck that I was waiting for has arrived -- and it’s actually a week early!

Now all I need to do is pick it up and stick it onto my passport and start embracing change.

They say life is sweet. Allow me to taste it.

posted by: Jeko at June 21, 2007 22:47 | link | comments (2) |

Wednesday, 20 June 2007

Separation anxiety

I’m a little under the weather lately. And it’s mostly because things are still a bit blurred at the moment. It’s like I’ve frozen time to agonize over something I’ve done.

If the news hasn’t reached you yet, allow me to deliver it to you now. I’m leaving the company, and I have practically a week left to finish outstanding projects.

It wasn’t an easy decision but I’m positive it’s a smart one. I just thought it’s about time that I find answers to the other what-if questions that have been bugging me for the longest time.

There is a bigger plan for me, I know. I also know that it’s about time that I embrace change and discover my other strengths.

Hope everything goes according to plan. Wish me luck.

posted by: Jeko at June 20, 2007 23:28 | link | comments (3) |

 

About me

Blogger:

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Counter

visited *loading* times