start your own blog now!
 
Read other blogs...

Your fab jologs in HK

Google
Friday, 31 August 2007

First night

Ayan, after ilang linggo ng paghahakot at isang linggong pag-aantay na mailipat ang aking broadband connection dito sa bago kong flat ay masasampolan ko na rin ang pagtulog dito. Mukhang tahimik naman ang aking mga kapitbahay so malamang ay walang magiging problema. Wala rin namang eerie feeling so mukhang carry talaga.

posted by: Jeko at August 31, 2007 23:11 | link | comments |

Thursday, 30 August 2007

Weird PRs

Di naman sya dapat isyu pero ewan ko ba kung bakit tuwing sinasagot ko ang mga nagtatanong sa akin ng aking nasyonalidad eh parang nahahati ang langit sa katahimikan dahil sa awkward moment.

Tulad na lang kanina. Curious yung isang PR na kausap ko sa telepono kaya mega ask sya kung ano daw ako. Pinoy, sabi ko. Tapos biglang dead air na. Isa lang yun sa marami nang pagkakataon na tinanong ako at weird reaction ang aking nakuha. Wala pa ba silang nami-meet na editor na pinoy?!

Actually, I’m starting to believe na nga na baka weird din ang paraan ng pagsagot ko kaya weird din ang kanilang reaction. Pero hindi talaga eh. Minsan nga naiisip kong sabihin na, “Oo, brown American ako at galing akong third world pero meron din naman akong alam sa fashion.” Pero that would be defensive kasi wala naman silang sinasabi at di naman nila ako nilalait in the first place.

Anyway, I don’t find it offensive. Nawe-weirdo-han lang talaga ako sa kanila. It’s as if napa-praning sila pag nakakarinig ng pinoy. I wonder kung bakit…

Weird or not, dedma na ako. For as long as they help me do my job and give me invites sa mga PR events, ok na ako. Meron kasi kaming nilulutong sections sa isang magasin at ako ang editorial contact ng mga PRs. In a matter of one week eh na-transform ang aking lingo from jologs to fabulouso. Aba, bakit hindi, eh mga PR lang naman ng designer labels ang kausap ko. Gucci. Chanel. Fendi. Ralph Lauren. Hugo Boss. Shanghai Tang. Agnes b. At kung sinu-sino pang hari at reyna ng catwalk! Kausap ko rin ang ibang tech superstars like Nokia, Sony Ericsson, Motorola, etc.

Kanina meron akong invite galing sa isang designer. Product photo shoot daw ng fall-winter collection nila. Di ako pumunta pero sinend ko yung photographer namin. Nung uwian na nakita ko bago ang bag nya. I’m suspecting bigay yun sa kanya. Bummer!

Anyway, di ko na palalampasin yung ibang invitations. Sayang ang fab moments at freebies. Promise, on Tuesday libre ang lunch at dinner ko, at dapat meron akong uwing dalawang gift packs! Wish.

posted by: Jeko at August 30, 2007 19:54 | link | comments (3) |

Sunday, 26 August 2007

Showbiz ateng!

[25 August, morning]

+honhon+: [text message] Guess who kung sino ang kasabay kong nag-check-in sa NAIA kanina?

Jeko: [text back] Sino?

+honhon+: Ara Mina lang naman, pero sa ibang flight sya.

[two hours later]

+honhon+: [text message] Delayed. Kalalapag lang ng plane namin. Kasakay ko si Rufa Mae, Candy Pangilinan, Pokwang, Eugene Domingo, Wen Deramas. Mauuna sila lumabas sa akin. Abangan mo sa arrival hall.

Jeko: Sus, not interested! Andito na ako sa arrival hall B ha. Bilisan mo.

[thirty minutes later]

Jeko: Grabe, ang tagal mo ha.

+honhon+: Ang bagal ng immigration officer ko e. Chika ng chika sa katabi.

Jeko: Ano, nasan na sila Rufa Mae? Kinunan mo ng pic?

+honhon+: Ayun o! Wala akong cam eh.

Jeko: Ha? Ang seksi. Ay, si Simang! Habulin natin!

+honhon+: Hahahaha!

[a few seconds later]

Jeko: Hi Rufa Mae!

Rufa Mae: Hello! [Waves]

Candy Pangilinan: [Talking to Rufa Mae] Nasan ba ang arrival hall A?

Jeko: [Nakisabat] Andun. Go straight ahead!

Candy: Uy, thank you!

[after the stars have left]

+honhon+: not interested daw ha!

Jeko: hahahahaha! Kainis, wala tayong cam!

posted by: Jeko at August 26, 2007 19:38 | link | comments (5) |

Wednesday, 22 August 2007

[reserved]

posted by: Jeko at August 22, 2007 21:21 | link | comments |

Tuesday, 21 August 2007

The eye

After na mag-confirm ni +honhon+ nung linggo na darating sya this weekend, mukhang na-excite yata ako ng todo kaya di ako nakatulog that night. Eleven pm ako humiga pero halos 4am na nung nakatulog ako. And since 7am ang gising ko ng weekdays, that means tatlong oras lang ako nakapagpahinga. But that’s not what bothered me.

Nung magising ako, super sakit ng kaliwang mata ko. Hindi sakit na kirot, kundi sakit na tipong binugbog yung eyelids ko ng limang kalalakihan (na di ko man lang nakilala or nakuha ang phone number – joke!). Pero dedma. The show must go on kaya hala, mega bangon pa rin ako.

Then kanina, when I woke up, masakit pa rin sya – actually mas masakit…tipong anim na ang nambugbog. I also noticed swollen na ang eyelids ko. Grrr, it really affected my day. Late ako pumasok. Di ako makaharap sa MAC ng matagal. Nanlalabo ang aking paningin. And with matching nangingilid-ngilid na luha every 30 minutes. Talo ko pa siguro si Ate Guy kung mata ang basehan ng acting.

Anyway, my hint is isa itong nagbabadya na kuliti. Yuck naman! Wag naman po! I’ve never had that before and I don’t know how to treat it. Ni hindi ko nga alam kung ano ang Ingles ng kuliti…naman!

posted by: Jeko at August 21, 2007 23:14 | link | comments (2) |

 

About me

Blogger:

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Counter

visited *loading* times