[reserved]
Lonely
We were sent home early today in celebration of the Mid-Autumn Festival. Instead of attending the lantern parade in Victoria Park in Causeway Bay, I decided to just go home and sleep. I know it’s a bit pathetic but I really thought I could use some rest in preparation for busier days ahead.
And so I slept for five hours and felt refreshed when I woke up. What I didn’t expect was the sense of loneliness that occurred the moment I stepped out of my flat in search for an open restaurant where I’ll be buying my supposed festive meal.
While my neighbors were busy serving mooncakes and chatting with family members, I, on the other hand, felt so alone. The Mid-Autumn Festival is a celebration of abundance and togetherness, but how can I celebrate that if there’s no one here with me?
Oh, I miss everything, including my old flat.
Shala shala
Emotera bonggang-bongga ako mga ateng! Imagine dumalo ako ngayong gabi sa isang sosyalin na presscon sa Shangri-La Kowloon. Bukod sa product tasting ay nagkaron din ng proper dining experience na fine-dining style. Bigatin ang mga bisita kaya naman tiklop ang aking jologs factor tonight. Buti na lang I was with my pinay big sister Lou na nagpataas ng aking fab factor.
Ang salarin sa shala shalang presscon? Ang inosenteng extra virgin olive oil.
Meron kasing campaign ang Italya to promote this product in China. Gusto kasing payabungin ang gamit ng rehiyon sa produktong ito. Fusion kumbaga: yung paghahalo ng eastern recipe at western ingredients.
Napaka-enlightening ng aking mga natutunan about this product habang napaka-mouth-watering naman ng aking mga nalasahan. In fairness lahat ng nasa menu -- from the appetizer to the martini, to the dessert -- merong olive oil. Sounds nakakatakot pero promise, masarap, lalo na yung talaga yung martini.
Wagi talaga itong gabing ito. Sana marami pang shala shala invites na dumating.
Piso
Piso. Kala mo napakaliit na halaga, diba? Wag ka, kinulang ako nyan kaya wala akong roaming ngayon. Pano ba naman kelangan daw P100 ang balanse para ma-activate ang roaming. Lampas naman dyan ang load ko before I sent “Roam On” to 333, kaso dahil meron ding charge ang pag-activate ng roaming, kinapos na ako. Ngayon nag-eemote ako dito, not only because di man lang ako natinga sa aking 15-hour stay in Manila, but also because disconnected ako sa mobile world ng Pinas...well, at least for the next five days. Lahat ng communications namin ni +honhon+ ay kelangan na tuloy idaan sa Internet. Hay.
Anyway, I'm back here in HK. Although my stay in Manila was short, I’m grateful though na meron pa rin akong mga na-accomplish. Like mag-breakfast sa bahay ng aking mga parientes at mag-lunch sa aking paboritong karinderya with +honhon+. Carry na din kahit paano. Ang big bonus ng trip na 'to is yung pagkain ng PAL. New menu na itu! Panalo ang pork meal at ang dessert, though super curious ako sa seafood with noodles...well, next flight ko yun ang kukunin ko. Iba talaga ang PAL magmahal. Pati ang food shining through.
Sadista
Isa na yata ito sa pinakamahabang araw sa buhay ko. Nine o’clock pa lang I was hitting the road na. First stop was at Olympus service center in Mong Kok para ipa-checkup ang aking Camedia camera na balak kong ibigay na lang sa aking nakababatang sister in Pinas. There were two counters and, nung dumating ako, parehong merong nakasalang. Officially, I was customer number three. When it was my turn na, all smiles ako kay gwaping na humimas ng aking camera. Di daw nya alam kung bakit ayaw mag-on, pero he’ll try na gamitan ng ibang battery. And he did. Kaso, after a few minutes, umusok ang camera at nangamoy baga sa paligid.
Syempre hindi ako natuwa sa nangyari, so kinulit ko sya kung bakit nagkaganun. Sabi nya short-circuit daw. Well, obvious naman. Kung gusto ko daw ipagawa, $100 ang service charge. Naisip kong okay lang siguro so fill up na ako ng form. Kaso nung pina-process na nya ang papers ko, hinihingan nya ako ng original invoice mula sa pinagbilhan ko. Sabi ko nawala ko na yun at ang meron lang ako ngayon ay yung credit card transaction receipt na pinirmahan ko nung Dec 2005. Mega check sya sa computer at wala daw makitang record ng warranty or purchase ko. Baka hindi daw na-file ng pinag-bilhan ko. And since wala akong records, doble daw ang dapat na charge, which is $200. Kasi baka hindi ko daw sa Hong Kong binili yun. Aba, teka muna, lokong ‘to! Ayun nga’t malinaw sa resibo yung address: meron bang Des Voeux Road, Central sa Pinas?! Since he was very insistent na $200 ang charge, I decided na sa Pinas ko na lang ipagawa, baka mas mura pa ang service. Gwaping sya pero kung $200 na ang usapan, hindi lang dapat yung camera ko ang service-an nya. Haha!
After that, dumiretso ako sa Giordano in Central para mamili ng sandamakmak na shirts. Magbubukas kasi ng tiangge yung isang kaibigan ko at kelangan daw nya ng mga samples. Kung pumatok yung dala ko, malamang mas mapapalimit pa ang uwi ko sa Pinas para magdeliver ng mga order. Business na itu! Thirty minutes and three big plastic bags later, ginalugad ko naman ang Central para maghanap ng Maxim’s bakeshop. Very particular ako sa cake na dadalhin ko sa party ni Ems at Jambi: one of my favorites, black forest. Medyo nahirapan ako makahanap kasi usually after lunch pa pala dumarating ang bagong stocks, which hindi ko na kayang hintayin kasi lunch party ‘yung pupuntahan ko.
Meanwhile, I was in pain sa haba ng nilakad. Halos kakaang-kaang na ako maglakad kasi namaltos na yung paa ko. Turned out medyo masikip yung rubber shoes ko, na ngayon ko lang inirampa. At dahil anklet pa ang suot kong medyas, diretsong nakaskas yung back part ng paa ko, nagsugat at natuklap na ang balat. Eksena, promise! Imagine me carrying a satchel bag, three big plastic bags of Giordano tees and a box of cake, at kakaang-kaang maglakad sa kahabaan ng Central. Pagdating ko sa bus stop, walang pang bus. Ala una pa daw ang start ng service kapag sabado. Naknang! Sa sobrang haggard looking ko, I decided na magpalit ng shirt at gamitin ang isa sa mga binili kong tiangge samples.
Nung makahanap ako ng ibang bus at makarating sa Aplei Chau, where we’ll hold the party, di pa ako nakuntento sa degree of difficulty ng aking sitwasyon at dumaan pa ako sa Wellcome to buy chips and three bottles of softdrinks. Whew, talk about sadista! Nung dumating ako sa bahay ni Marlin, daig ko pa ang na-gang-rape. Buti na lang at late ang karamihan sa kanila so I had enough time to relax at pagpahingahin ang battered feet ko.
By four in the afternoon, umeskapo na ako para umuwi sa bahay at pick-up-in ang aking mga maleta. I decided na pumunta ng airport nang maaga kasi gusto kong mag-chance passenger sa flight before my sked. Six thirty nung dumating ako sa airport at malapit nang magsara ang counter for the 7:30pm flight. Lapit ako sa counter at nagtanong kung puno ba ang plane. Sabi nya hindi, meron pa daw space. Mega ask ako kung pede ba akong mailipat dun, instead na antayin ko pa yung 10pm. Sabi nya yes, pero meron daw charges, which was more than $1,000. Syempre naturete ako nung narinig ko yun. Ok lang sya? Six hundred lang ang promo ticket na hawak ko tapos sisingilin nya ako ng $1,000 para makasakay sa flight na dalawa’t kalahating oras lang naman ang diprensya?! No way, mag-aantay na lang ako!
A few minutes later at nakapag-check in na rin ako for the 10pm flight. And since sa gate 42 daw kami, kinailangan ko na naman maglakad ng sobrang haba. Kung nakakapagsalita lang ang paa ko, siguro minura na ako. Bakit naman kasi one size smaller ang nakuha kong sapatos, at bakit hindi ko agad napansin nung bumili ako (rhetorical questions po ito; wag na nating sagutin dahil baka maiumpog ko lang ang ulo ko sa pader)!? When I reached the gate, I decided na mag-relax sa isang very comfy reclined chair. Hubad ng sapatos, higa – uhm, sarap! An hour later, there was an announcement na inilipat daw kami ng gate, from 42 to 50, which meant lakad ulit. But that wasn’t the bad news. Ang bad news ay, made-delay daw ng isang oras ang flight. Susme, wala na nga akong 24 hours in Manila, binawasan nyo pa ng isang oras ang stay ko?! Naknang!
By 10pm nababaliw na ako kakaisip about my delayed flight at kung ano ba ang nakain ko para ituloy ‘tong trip na ‘to. Imagine, I’ll arrive in Manila at 1am and fly again same day at 6pm?! Talk about sadista talaga!
today
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
visited *loading* times